NiNAnG Ni SaM

heto ako, naghihintay pa rin sa aking gwapong asawa...malugod na nagta-trial and error sa aking mga litrato. at sa wakas ay nagtagumpay din! ilang araw at bituin na rin akong pilit na nagdidikit ng tugmang larawan. aba...ok naman pala!

parang kanina pa ako dito! nananakit na ang mga likod. nanahi kasi ako kaninang hapon ng blouse. pero di ko natapos kasi napagod na ako. di bale, ohales (buttonholes) nalang naman at ang bulsa. kaya tuwang-tuwa ang aking suki sa tahi, aming flatmate si Lou, dahil may terno na siya bukas. nakatapos na kami ng 2 pajama bottoms at 1 blouse. (04-02-05, friday)

UPDATE: tapos na ang ternong blouse kahapon. at kagabi suot na ng may-ari...maluwag ng konti pero ok lang...pantulog naman daw! may ginawa kong bagong project kanina, isang (round) tissue dispenser... gawa sa foam at tela. mamaya kukunan namin ng pic ang finished product para inyong makita. (06-02-05, sunday) Posted by Hello

0 Responses