NiNAnG Ni SaM
wala akong maisip....
ilang araw nang naiinip
hindi kaya napanis?

di kaya dala ng kawalan ng inspirasyon?
o sobrang kabusugan
kaya pati kaisipan ayaw gumawa ng opinyon.

hindi alam ang dahilan
marahil siguro...
kundi dapat...

malamang sa hindi
kung di ay oo....
nakakaloko ang mga ito!

kaya huwag nang pilitin
baka kung saan lang bawiin
mga mithiin dapat kilatisin.