kahapon may kumatok sa aming pinto. binuksan namin ni Lou, (ang aming flatmate na aking suki sa tahi, remember?) ang pinto. aba, ang babaeng hilo kagabi. nag-doorbell din siya noong isang araw humihingi ng tulong kung saan may bakanteng kwarto...sagot ko naman doon sa kabilang building meron. di sabi ko, you go to the next building, and you ask the other tenants if they know of ....blah..blah..blah...di umalis na.
nagulat ako ng kinuwento ni Lou na nakita pa rin niya itong babaeng ito na mangiyak-ngiyak na sa labas ng halos 10 pm na ng gabi....sagot ko, kawawa naman....i wished i could have done more for her, di ko naman alam kung san may bakante. eh mga 6 pm pa ata yun ng kumatok sa amin at inabot na ng 10 pm? (ang takot ko lang baka biglang magsisigaw siya ng...CRISPIN??? BASILIO??? NASAAN NA KAYO....AT NASAAN KAYA AKO??? DO YOU KNOW MY MOTHER??? DO YOU KNOW MY FATHER???? mahirap na ano!)
kinabukasan nga....heto na naman siya. ano ba itong babaeng ito, di pa rin nakakahanap ng tirahan? bitbit lahat ng luggage niya....2 malaking maleta na mukha pang mabigat sa kanya. sinabi ko nalang kay Lou, sasamahan ko na ito sa admin office. iniwan ko siya sa first floor para tingnan kung asan ang opisina sa ibaba at kung may tao... andun naman sa may labasan ang empleyado nilang maintenance na burmese...wala daw tao. ano ba yan! akyat ako sa kanya kasi di niya maiwan ang mga daladalahan niyang saksakan ng laki. maya-maya dumating din ang manager.
to cut the story short...nag-usap sila ng manager na babae at nakipag-bargain siya na titigil lang daw siya ng mga 1 month kaya baka pwede babaan ang renta...sagot naman ng manager hindi pwede talagang SGD700 a month daw...bakit daw ang kaibigan niyang vietnamese nakuha ang isang room ng SGD500 a month? ayaw naman talaga bumigay ang manager kaya nag-isip-isip itong babaeng nalaman ko ay vietnamese din pala. hay naku, napakahirap intindihin ang ingles nire! hindi ko talaga ma-gets....iniiwan ko na sana ng makita kong nag-uusap na sila, ayaw naman ako paalisin...di nahiya naman ako, sinamahan ko. pinakita sa amin ang kwarto...nyek, ang gulo...parang di nalinis ng ilang linggo...at ang nakakainis pa puro estudyanteng lalaki ang mga makakaflatmates niya duon. ba...ang nakakatawag pansin pa sa akin ay ang pangit na pintura ng dingding at ang mga sampay...grabe! nagkalat ang sapatos! may shoerack kaya lang parang magulo pa rin....
hanggang sa binigyan siya ng ultimatum, pwede niya iwan muna ang malalaki niyang maleta tapos balikan nalang niya pagmay dala na siyang pera before 6 pm...ay naku, eh wala naman palang perang cash itong si V (short for "vietnamese") kaya sinabi ko nalang kay mrs manager na sasamahan ko nalang itong si ate V sa bangko para mag-cash advance, dahil may "mastercard" nga ito pero di naman pwede ang "CHARGE" kasi cash ang transaction nila sa unit namin.
muntik ako ma-highblood kasi ang hirap nitong paintindi na kailangan ang pera na SGD700 at hindi ubra ang gusto niya na since up to 15 days lang siya, yun lang ang gusto niyang ibayad muna tapos pagpunta niya sa immigration hihingi siya ng extention for 15 days at tsaka siya magbabayad ng another SGD350. sabi ko baka di pumayag ang manager kasi ganito...ganyan...papunta na sana kami sa mall niyan para ikako ay makapag-cash advance nalang siya kung gusto niya. eh parang hindi disidido at na turn off ata sa itsura ng flat kaya binabarat ang manager....so di ko na pinagpilitan na pumunta sa mall para kumuha ng pera sa bago niyang mastercard (interpret ko ang mga pindutan sa atm para magkapera na ito) since parang di naman siya sold out dun sa sinasabi ng manager....kaya bumalik kami sa ibaba...
sabi tuloy ni mrs. manager, even if you stay for only 7 days, 15 days or 30 days i still charge you SGD700...ahhh mataray din ang ale! kaya ayun....pinahindian na siya...pero talagang mapilit din itong si V...wala kaming nagawa kundi bitbitin na naman ang gamit niyang parang may lamang 20 na shotput sa bigat. at inihatid ko nalang sa kabila ng building namin kung saan may kababayan ata siya. na ang panalangin ko ay sana makatulong sa kanya.
isang bagay ang natutunan ko sa pangyayaring ito, hindi masama ang tumulong, sa katunayan maganda nga kung ang layunin mo sa pagtulong ay wagas. pero hindi lahat ng mga gusto mong tulungan ay willing na magpatulong - baka hindi rin agad nagtitiwala sa tulad ko na gusto sana siyang tulungan, o baka may sarili siyang plata porma at di ka dapat makialam...pwedeng talagang hirap lang umintindi kaya mabuti pa....hamo nalang siya!
iniisip ko baka akala kaya niya ay pauutangin ko siya? siguro kung $1 lang yan pwede pa.... hehehe! eh malas na lang niya dahil sa atin ay talamak ang mga panloloko kaya mulat ito no! sana ay hindi naman kasi "in good faith" naman ang pagtulong ko sa kanya. ha! iba yan sa mga pwede matutunan dito. nang naghiwalay kami sabi ko, "i hope you find your sister. maybe she can help you find a nice place...." sister? eh, di ko rin maintindihan ang kwento niya kung sino ang kakilala niya dito, kaibigan ba o kapatid...ah, ewan!
sana lang magkasalubong kami diyan sa orchard one of these days at mabalitaan ko na ok naman siya.... ;>
INSIDE STORY:
alam n'yo ba na minsan na akong nabiktima ng mga GOYO GANG sa atin? Pauwi na ako noon galing school, college na ako ata noon. pagdating may terminal ng tricycle sabi ng ale sa akin, "Neng...baka pwede mo ako pahiramin ng pera kasi uuwi ako nawalan ako ng pera..." (humihingi ng P50 para makauwi lang sa kanila) ganito...ganyan. naawa naman ako, bigyan ko ng P50. tuwang-tuwa ang babae at tinanong ang address ko at ang sabi," Sige...bigay mo sa akin ang address mo at ihahatid ko ang pera bukas. at dadalhan kita ng tsinelas"
aba...di ko man lang naisip na madami talagang ganito sa atin....ang isip ko, gusto ko lang tulungan tong babaeng ito, at malay mo...baka maya-maya...biglang "POOF...AKO AY ISANG ENGKANTADA...dahil sa kabaitan mo...."
hindi! biro lang...gusto ko lang makatulong. tayong mga pinoy likas na matulungin...ito ang isang bagay na hanga ang mga dayuhan sa atin. accomodating pa and good friends. tulad ng inaasahan, walang tsinelas na bumalik kinabukasan at ni anino ng babaeng yun di ko na nakita. bahala na sa kanya ang Panginoon! yan ang masasabi ko sa kanya!