NiNAnG Ni SaM

hope Posted by Hello

nakakalungkot isipin ang mga latest news na kasabay ng valentine's day sa pinas ay ang bombings sa 3 lugar, 2 sa luzon at 1 sa davao. (tinanong namin ang aming flatmate na ilongga, "bakit wala atang nagpasabog sa visayas?" mababait daw kasi sila....hehehhe!) naks ha!

umuwi si A, ang bunso naming flatmate (si ilongga) sa pinas last week. bakas sa kanya ang tuwa dahil masaya ang kanyang mga adventures. lumapag sila sa cebu ng wed, feb. 9 from singapore, spent a night in a hotel there tapos namasyal sa bayan ng chocolate hills, BOHOL. she gave us a blow-by-blow account sa ganda ng beach na talo pa daw ang boracay sa linis at ganda ng dagat, sa mura ng accomodations at sa mga exciting pa nilang pag-stay with matching masahe, snorkling and dolphin watching pa. A. and 2 girl-friends stayed in bohol for 4 days tapos sempre umuwi din siya sa kanila sa iloilo. kababalik lang niya kahapon.

para sa isang "beach-addict" na tulad ko, kulang nalang tumulo ang laway ko sa mga kwento niya. hehehe! buti nalang napigilan ko...maganda pa rin ang beaches natin in comparison sa dagat dito sa singapore. "man-made" kasi ang beaches sa sentosa, isang island na pwedeng maabot by cable car or by car from harbourfront.

hay! miss ko tuloy ang favorite beach namin ni E sa zambales, where we spent almost every summer. one memorable holy week, sinama namin ang family ni E (2003), si bro#2 and bro#3 with their respective families. (E is no. 5, the bunso)...masaya kahit kulang kami ang kaniyang sis, who's #4, and bro#1. it was our first time sa resort na yun, sa whiterock beach. before kasi we used to stay sa kabila (la playa beach resort) eh di pwedeng magluto, kaya kailangan ipapaluto mo pa....di may charge yun. maganda naman ang accomodations sa dating pinupuntahan namin dahil sa cabanas kami nag-stay, as in dikit-dikit ang rooms (2 rooms sharing a bath) at may sarili kaming sala sa isang side kung saan pwede kayong wantusawa magkwentuhan ....o di kaya mag-card sessions....yun nga lang bitin kami sa pagkain, gustuhin man namin magluto. pero may game room din dito na pwedeng mag-billiards, dart, tabletennis at chess.

dun naman sa whiterock, pwede magluto at sarili namin ang 1 building na up and down, with 4 rooms. naalala ko nga ang mga children (the 4 li'l gals) maaga pa lang anduon na sa pampang , di pa nagtatagal nag-aaya na sa ama para samahan sila maligo sa dagat....mga naging mga negra tuloy! maya't maya nasa beach. kung di naman nanghuhuli ng kung anu-ano sa gilid ng aming rooms o gumagawa ng sariling mga laro. at may baon pa silang jellyfish pag-ahon ha! sarap talaga maging bata, ano? sina kuya naman nila (2 binatilyo na anak ni bro#3) nakikigulo din minsan sa kusina at lumalangoy kung minsan, bantay ng mga kapatid at pinsan.

habang kaming mga "matatanda"...mga misis naghahanda ng lulutuin at ang mga boys ay nagdidikit ng aming pang-ihaw sa 2nd floor veranda, ang aming dining at session hall...hay! sarap ng mga pagkain, lalo na kung may manggang hilaw at bagoong with ripe kamatis and sibuyas na sawsawan! champion talaga! tapos magluluto pa ng masasarap ang cook sempre kaming mga usi at di cook, gayat-gayat naman. sa tanghali matapos ang lunch, sarap matulog habang ang isa ay kumakatok..."oy! game na!!!" (tong-its na pala!), ligo sa dagat at sa gabi naman masarap ang kwentuhan at tawanan. pare-pareho kasing kengkoy at masasaya!

4-5 days din kung magbakasyon kami sa iba, zambales. pag kami lang ni E, sa isang 3 star-hotel type kami nag-stay, fully booked na kasi dun sa dati naming pinupuntahan ang La Playa (kung saan bawal magluto). para lesser pressure sa pag-iisip ng lulutuin, more time for gala and swimming....enjoy the place. naalala ko pa nung minsan sa sobrang init ng summer naglakbay kami for 2-3 hours from zambales to pangasinan sa 100 islands para magboating at mamasyal sa mga islands dun...grabe din naman sa dami ng tao pag holy week! syempre iba pagkasama ang mga kapatid!

madaming magagandang alaala na may konting kurot sa dibdib....tulad ng aking magandang larawan (ng sunrise) kabi-kabila man ang mga bagyo, ang alon muling hahampas sa baybaying dagat at ang araw muling sisikat...

QUOTATIONS:

"the best and most beautiful things in the world cannot be seen,

nor touched but can be felt in the heart."
-Helen Keller
0 Responses