papa's girl ako...walang kokontra!
feb 19, b-day ngayon ng tatay ko! maraming mahal sa buhay ang nagcecelebrate ng bday ngayon: ang isang pamangkin sa pinsan,( si AJ)... mom ng bestfriends ko sa las pinas at sempre ang tatay ko.
kadalasan ang mga bday brings good memories of our loved ones. and one of the things i loved dearly about my father was that he wasn't the hitler type when it comes to our studies. bahala ka pumili ng gusto mong kurso. when i finished h.s. lito ako...gusto ko sana mag fine arts sa UP. pero natakot ako kasi ang entrance exam doon ay kailangan pakita mo ang galing mo...actual drawing, eh di ko sigurado if i was good enough. kaya ni hindi ako nag-apply kasi dun lang ang gusto kong school (f.a.) never thought applying to other schools kasi alam ko mahal. at sabi nila walang kinabukasan ang mga artists kasi kailangan mamatay ka muna bago ka makilala at mabili ang paintings mo. (i love oil, pencil, acrylics and collages...mix mediums.)
anyway, di nya ako pinilit kahit alam ni papa na patay na patay ako sa arts. di rin nya ako pinigilan na magtry sa ibang colleges/universities. kaya enrol ako sa isang unibersidad din na pang masa. (at least sa akin nakatipid siya....heheheh!) una, sa office administration ako napunta. tapos ng 2 taon...sabi ko ayaw ko na ng steno, typing carry ko pero steno...nyeee!sa commerce naman ako, marketing major. doon nagtagumpay na ako....nagtapos pero noong dumalaw ako minsan sa tiyahin ko na dean ng physical education, ewan ko ba naisipan kong mag-enrol sa certificate in P.E. (2 yrs) siguro dahil di pa ako handa magtrabaho sa office. pumasok naman ako ng buong tapang kahit na pwedeng hindi na....pero gusto ko matuto, at ng natapos ko ito nakapagturo naman ako. lagpas 15 yrs na pala akong nagtuturo kung susumahin....ops, wag nang bilangin ang edad....
ang aga namin lagi ni papa umaalis sa bahay, idinadaan na niya ako sa school on his way to makati. mga 6:00 ihahatid nya ako tapos mga 6:30-7 am tumatawid na ako sa campus. araw-araw yan dahil sa kabutihang palad ay may sasakyan naman siya kaya tipid ako sa pamasahe. pero maaga rin naman ako umuuwi, mga 3 pm tapos ng klase go na ko. wala lang....gusto ko lang makauwi ng maaga sa aming tahimik na tahanan kahit wala pa ang 2 ko pang kapatid. ako ang laging nauuna umuwi. mga 4 pm nakauwi na ako sa marikina....(opo, kaya pa ng 1 oras ang biyahe noon galing maynila. )
maya-maya darating na si papa habang nanonood ako ng tv. maririnig ko na ang gate na bumukas, sabay 'blag' ng pinto ng sasakyan...at ang buntot ng aking aso na nagwawagayway...(ops, yan di na yan tutoo, sobra naman galing ng tenga ko kung marinig ko pa yan!) love niya kasi ang boss niyang tatay ko (hello, sadam!) aga niya umuwi ano? ganyan naman siya talaga mula ng mawala ang aming nanay, maaga siya kung umuwi at siya pa ang nag-gogrocery at namamalengke. siguro kasi tanghali na kami gumigising ng aking kapatid na bunsong babae, si GM, kaya siya na ang namamalengke tuwing linggo. gusto naman namin yun kasi ligtas kami sa putik at amoy malansa ng palengke. pero siguro nang makahalata ang tatay namin, sabi, "hoy, kayo naman ang mamalengke ha!" ok lang, pero tatlo kaming magkakapatid ang magkakasama sa palengke ng proj. 4 kasi si panganay, kuya A ang aming driver. nalaman ko naman na masarap din mamalengke....matagal nga lang kasi pili ka pa ng pili at lalo na sa pwesto ng karne daming tao....buti na lang andun si VADING, ang aming suki na may crush kay kuya A! hahaha!
maaga din kami natrain ng gawaing bahay. dahil ng malaki-laki na kami mga hs at college na, di na kinailangan ng kasama sa bahay...kami-kami nalang. 3 kaming magkakapatid at ako ang middle child. si kuya A ang panganay at si GM ang bunso namin. madalas akong tawagin ng aking tatay lalo na kung wala si kuya para mag-assist sa paggawa ng sasakyan, "D!!!!! tapakan mo nga ang clutch....o ang break naman....tapak!!! bitaw...tapak!!! hehehhe! mekaniko....siya ang nag-aayos ng sasakyan nila ni kuya. karpintero, electrician, hardinero etc...etc...etc... masipag siya. sa kanya din nagmana si kuya ng hilig sa sasakyan at ang pag-aayos nito.
ang ordinary day sa kanya, pag-dating niya galing trabaho (dentist nga pala siya by profession) magpapahinga yan...magbabasa ng pocketbook at diyaryo niya (yap, sa kanya ko namana ang hilig ko sa pagbabasa) tapos iidlip mga 30 mins tapos nasa "silong" na siya. kung makikita lang ninyo ang aming silong, naging workshop na nila ni kuya. grabe sa dami ng gamit sa kotse. puro mga bearing, grasa-covered na mga clutch, mga kung anu-anong maiitim na gamit sa sasakyan. at syempre ang kanyang mga naka-mount na panghasang bilog, mga nakasabit na gunting ng yero, lumang manebela etc. etc.... naimagine mo na ba? doon mo siya maaabutan may laging binubutingting. tatawagin ko lang siya pagnakaluto na kami ni GM. tapos ay babalik siya uli dun pero mga 7-8 pm hinto na siya at manunood na yan ng news or basketball.
workaholic siya. minsan lang siya nagpapahinga. kaya twing december lalo na ng mga huling taon ng kanyang buhay, lagi kami umaakyat ng baguio. enjoy! minsan kasama namin ang mga kapatid niya at mga pinsan ko...di kaya kami lang 4. gustong-gusto niya ang lamig ng baguio. kahit duon lang daw siya sa bahay na aming nirentahan ok na siya. pero sempre pilit namin siya sinasama pag mamamasyal kami. madalas sa europa condo kami o kaya sa teacher's camp. hay ang sarap!
i could go on..and on...daming kwento tungkol sa king tatay...nakakamiss din! he passed away the year 1998. naiwan niya kaming 3 magkakapatid, si E-kanyang manugang, aming 2 pang mga kapatid (2nd family) and our stepmom. i'm sure he lived a colorful life. naalala ko pa noong unang dumalaw sa amin si E tapos pinakilala ko siya....that, my friend, is another story....(hahahah!) ;>