NiNAnG Ni SaM

bulaklak Posted by Hello

ano ang relasyon ng bulaklak na picture sa blog ko? wala lang fond of flowers lang siguro and it brings back memories nung wedding day namin. ganyan kasi ang aking bulaklak na napili para sa gitna ng bouquet, dahil pink o kulay old rose ang motiff....lamo na old rose for the old gal.

anyway, this coming saturday, march 5, i'm turning 42! akalain n'yo....i have a lot to be thankful for. i have been blessed with a loving husband, a simple life, time to rest and at this point have found my passion. i realized there is more to life than "teaching". teaching has been a part of my life since 1989, ang tagal na pala...more than a decade, if i had other options siguro iba ang naging trabaho ko dahil basically mahiyain ako. hindi ako makapagsalita noon sa harap ng maraming tao. pero ibang usapan pag sumasayaw ako. natatandaan ko nung kabataan ko mahilig na ako talaga sumayaw, kaya twing may birthday ang barkada lagi kami may dance no. na mala-michael jackson....mapa-birthday, opening ng liga, debut, closing ceremonies o kahit ano pa yan basta kailangan ng sasayaw kami yun 3. (mga kasama ko ay mga kababata na magkapatid na kapwa mahilig sumayaw at kumain!) kahit walang bayad basta siguro pakakainin lang kami ok na.

dumarating din pala ang sawa....sa loob ng 15 yrs mahigit ....masasabi kong i want a change! hindi ko maintindihan kung dahil sawa na ako sa sistema sa skul, sa ating gobyerno, sa buhay na araw-araw lumuluwas mula novaliches pupuntang maynila, o araw-araw na ginawa ng Panginoon na turo ka lang ng turo wala naman asenso....(turo ka ng turo di mo naman mga anak? hehehhe!)

iniisip ko anong asenso? eh sa pagiging titser pag di ka nagMASTERAL o tapos ng MASTERAL mo hindi ka na ngayon makakahanap ng trabaho. lalo na pag di ka board passer. hindi ka na aangat sa iyong posisyon bilang instructor 1....puro horizontal na lang ang iyong pag-angat....
mabuti na lang at ginawan na ngayon ng paraan ng aming skul na matapos ang mga guro na tapos na halos at thesis nalang ang kulang....sila ay may special semester na tinatapos na nila ang kanilang pag-aaral para sa march ay "mamarcha" na rin sila....napakarami na pala nila....

tinanong ako noon ng barkada ko sa skul kung gusto ko mag-enrol ng nakaraan sem para makasabay ako sa kanila...sabi ko: paano andito ako sa singapore? hindi pwede yan at ayaw ko naman na maging kolorum ako, mahirap na....so enrolling was never an option. hindi naman ako nagkaka-2nd thought, because i am happy where i am. naalala ko kung papaano ako malungkot nang magkahiwalay kami ni E....andito na siya at ako nasa pinas pa! i had to wait 5 mos. para makasama ko na siya.

iba talaga... i'd say i'm really blessed! i'm happy and contented. and i thank the Lord for everything!( maybe i can break it down in the days to come. ) :>
0 Responses