NiNAnG Ni SaM

MacRitchie Reservoir Posted by Hello

this is how the reservoir looks at 10 am. peaceful. calm.
we started out as early as 7 am. our friends picked us up from our place straight away to the reservoir where more were waiting. our walk started at around 8:30 am. bakit nga ba kailangan pa maglakad? eh wala namang ibang means of transpo para maikot itong BOARDWALK na ito. they have 2 types of paths "rough way" and the "boardwalk". the boardwalk is a board-plank path, a longer route and the rough path is the shorter way but goes uphill and downhill.

bilib ka rin dahil marami ang nagjo-jog or running sa baku-bakong daan? kakapagod ata yun. di bale mga bata pa naman sila, ibigay ang hilig! pero ako...hindi na no! lalakad nalang ako. nahati sa tatlo ang aming grupo: una, ang mga mabibilis - mga kabataan na kayang-kaya bumilis dahil sa magagaan ang katawan, pangalawa, gitna - moderately slow and average speed lang....at ang pang-huli ay mga bata at medyo may edad, dito kasama ang mga "papetik-petik" at may katwiran na "they will be waiting for us in the end...no worries!"

dun ako sa gitna kahit na palagay ko ako ang 2nd sa pinakamatanda sa mga babae... ok lang masaya naman ang aming paglalakad na yan dahil iba't iba ang aking kasabay sa daan at nakakapagkwentuhan. 15 kaming magkakasama nung sabado na yun, malaysian-chinese at singaporean mix. marami akong natutunan tungkol sa malaysia at sa kultura nila. may kantahan pa bago kami umakyat sa "hanging bridge" na may haba siguro na 2 kilometro.

nagpalitan ng kuro-kuro sa pagganap ng mga exercise...fitness levels tapos mga comparison sa mga tanawin sa malaysia, pinas at singapore....iba-iba ang aking naging kausap depende sa bilis ng paglalakad. pero lagi ako nakabantay kay E, aking asawa...kasi baka siya ay napapagod na. hindi pa kasi siya pwede na sobrang ehersisyo dahil sa opera niya sa gall bladder. pero mukhang mas malakas pa siya sa akin....ako tumitirik na sa pagod siya diretso pa rin ang paglalakad.

our walk lasted for more than 4 hours because we had to make a few stops dahil pagod na ang mga children....pati na rin ang ilang matatanda! (kasama ata ako dun!) picture-taking muna sa ilang sulok ng forest at boardwalk. may isa pang tower na aming nadaanan pero dahil sa kakulangan ng oras para sa mga kasama naming may pasok pa nang sabado ng hapon, di na kami umakyat .....HAY SALAMAT! DI KO NA KAYA UMAKYAT!!!

malapit na...sa isang daan na dapat mamili kung sa rough path o sa boardwalk pabalik na sa carpark, pinili ng aming leader ang boardwalk dahil flat ito kahit malayo....much easier....hahahah! buti na lang! ako eh hinihingal na...pero nakarecover na din dahil medyo nasa lead pack na kami ni E. Sabay na ko sa kanya.....

AT NANG MATAPOS NA!!! hay salamat sa Panginoon!!! nasabi ko sa sarili ko, HETO ANG KAUNAHAN AT HULI kong paglalakad sa mga trails na yan...dito nalang ako sa unahan sa mga benches and playground nila. nakakapagod talaga! siguro pasyal lang, no more walk!!! PLEASE LANG! (hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang aking mga muscles na nagrereklamo!!!!) masaya ang lakad na ito....good friends...good food and great exercise! (whoooo!)
0 Responses