for most companies here in singapore it's a very long weekend! ang nakakatuwa dito you get to celebrate a lot of vacations. they honor every religion here. mapa-christian, buddhist, o muslim kasama sa kalendaryo nila ang mga holidays!
nakakalungkot lang ang mga balita sa atin na sa maraming nag-uuwian sa probinsya gaya ng mga nakaraang taon...hetong taon na ito, pati ata kaliit-liitang bag na bitbit mo sa bus at mrt ay kakalkalin ng mga pulis. kung sabagay ito ay para sa proteksyon ng mga sumasakay. grabe, naalala ko tuloy ang kwento ng aking co-teacher, umuwi siya noong isang holiday sa bulacan. sa dami daw ng tao sa terminal tuwing may dadaan na bus, makikita mo ang mga lalaking pasahero sa bintana na shumu-shoot (dumadaan). ganon kadami ang tao lalo na't mahal na araw o kapaskuhan!
kaya ang iba gugustuhin pa maiwan nalang sa maynila ng holidays, di kaya 1 araw bago magbakasyon ng opisyal sa kani-kanilang opisina ay nauuna nang bumiyahe pauwi. ang iba naman ay makikisakay nalang sa kapitbahay o mag-aarkila ng sasakyan.
isa pa, may babala pa na baka magkabombings sa mga simbahan.... naiimagine ko: taimtim ako nananalangin....pero ang isang mata ko lang ang nakapikit at ang isang mata naman ay nakamulat - handa sa anumang takbuhan na mangyari! tama ba naman yun?
syempre, napakabilis lang nun kung mangyayari man, as if pwede ka pa makatakbo pagmag trigger ang putukan! hay naku...tama na nga yan!
buti nalang dito hindi problema yan! ang tutoo nga niyan nakakatuwa ang relasyon dito ng muslim at mga kristyano (o iba pang relihiyon). dahil may paggalang sa bawat pananampalataya ang mga tao dito. hindi ka nangangamba at minsan pa kamo makikita mo magkakasama ang mga singaporean na christians at muslim....nanonood ng sine at naglalakwatsa! ganito nila pinalaki ang mga kabataan dito. ganyan din ang sistema ng gobyerno may kalayaan sa pagpraktis ng iyong relihiyon.
naalala ko tuloy ang kausap namin noong bagong taon na mga pinay na kaibigan ng aming flatmate...sabi niya nakalakihan lang nila ang ganoong pagtingin sa mga muslim sa mindanao (nalimutan ko saang part) dahil sila ay kristyano, sa school daw hindi nila kinikibo ang mga ito. tinanong namin kung bakit? dahil nga daw kasi muslim sila...parang may natural barrier ba? ganito ba ang turo sa atin? o may natural lang tayong takot sa kanila dahil ang alam natin sa kanila ay masama silang magalit? ( ba't mo naman sila aawayin?) iba ang itsura nila? (ang gagara nga ng mga damit nila - nakikita ko dito ang pangsimba nila...ang gaganda!) pare-pareho naman tayong pinoy!
mayroon akong naging estudyante dati, ilang taon na rin ang nakakalipas....(o wag na kayang bilangin!) sa aking orientation sa simula ng semester lagi kong sinasabi: " sa loob naman ng klase, bawal ang nagce-celphone. bawal din ang nakashades dahil di naman mataas ang araw....at magsumbrero, dahil di rin naman mainit!" ito ang ilang rules na pinasusunod ko kung nasa loob kami ng gym, pag nasa labas lang pwede mag-cap - kahit maglong-sleeves ka pa....siguro wag lang long gown...
anyway, nakita ko na may naka-belo....noon nauso na rin ang mga nakabandana sa mga babae....ayos lang sa akin yan kasi hindi naman cap. ilang meetings ay naka-sumbrero na...hindi ko na kinausap dahil sa pagkakaalam ko sa relihiyon nila tradisyon din nila ang nakatakip ang buhok ng mga babae. ilang beses ko yan naging estudyante. napakabait na bata. may mga kabarkada rin na mga kalog na kristyano.
naisip ko...wala naman silang pinagkaiba, pare-pareho naman tayo ng kulay, iisang lahi....iba lang ang pananampalataya...baka nga mas mahusay pa silang kaibigan kung ikukumpara mo sa ibang kakilala mo eh... ANO SA PALAGAY MO?

|