NiNAnG Ni SaM



Merry Christmas and a Blessed New Year everyone!

Heto ang masarap pagkatapos ng Chrismas eve! Ang mga pagkaing tira, at ang lunch or dinner kapiling ng mga mahal sa buhay. Noong araw pagkatapos ng noche buena nakaugalian na naming mag-anak ang magbukas ng mga regalo. (Pinakahihintay na sandali ng mga bata.) Kami naman magkakapatid may palitan din, at inaantabayanan naming dalawang babae ang mga giveaways na bigay kay kuya. May wallet...magagandang ballpen...o kaya diary etc. Mas marami kasi siyang gifts kaysa sa amin. Hehehe.

Kinabukasan magdadatingan ang mga namamaskong inaanak. Kailangan me ready kang regalo o maiaabot man lang. Minsan me mga reunions din kami sa mother side, lagi itong ginaganap ng Christmas day. Grabe din ang kainan at kwentuhan/ kantiyawan.
Mas maaga ang party namin sa side naman ni E (before 25th Dec). May program din kami, kantahan, exchange gifts at maraming palaro. Emcee si P,ang panganay nina E, mahusay na komedyante kasi. Exciting dahil me papremyo ang mga palaro na datung. At maya't-maya pa ay may nag-hahagis ng pera. Kailangan para kang boy scout, LAGING HANDA ang mga kamay at paa...dahil sa pagtakbo mo...opss, tapakan ang mga P5 hahahah. Huling part ay mga inaanak din na nakapila sa bawat ninang o ninong. (Sarap ng bata! di ba??)

Kahapon simple ang aming celebration. si E at ako. Pero mayaman ang aming alala ng mga paskong nagdaan. Malay natin baka next year...