COFFEE PLS...
FIRST thing that comes to mind soon as i wake up is COFFEE. i've been a "coffee-drinker" ever since i can remember. minsan nga naging bansag sa akin ay "miguel"...we had this neighbor before, si miguel. he has downe-syndrome but a very gentle and friendly person. i guess he's in his 30s then...who can tell? pagpumasok yan o kumatok sa bahay ninyo ang unang hinihingi niya ay kape. tapos saka siya nakikipagkwentuhan.
"may kape ba kayo?" o "pahingi ng kape." aniya. BLACK. kadalasan binibigyan na lang namin siya, black talaga...kasi kahit kami sa bahay black din walang cream o gatas. my barkada knew him, kaya pagpumupunta ako sa bahay nila dahil wala naman kaming pambili ng coke o softdrinks, kape ang request ko...thus the name, "oy, miguel...!" (yessss?)
sa ngayon at 44, ang iniinom ko na ay milo kundi ovaltine. yes, may caffaine pa rin daw, not that strong. dahil sa aking kidneys pinagbawal ng doctor. don't worry, they're both fine now, the stones passed. but i'm still off a lot of my comfort foods like peanuts and taho. strawberries...and a whole lot more.
THE REAL THING....
another one i miss is coke...the COLA. natatandaan ko noon pag kumakain sa school, (teacher na, lakas na ng loob umutang sa kantin) yan ang padulas ng pambara (lunch). there was a rumour going around the water was not safe, something that has to do with a cat....(nyeee!) kaya imbes na uminom ng tubig, softdrinks o mineral water ang order namin.
dahil hindi mo namamalayan na pati ang sistema ng katawan ay apektado, kundi pa bumigay ito...saka mo marealize, tama nga sila kailangan nga ng 8 glasses or more of water sa araw-araw. advantages: (1)ganda ng sistema ng katawan, since most of our body is made up of water...replenish! (2)good skin (di tuyot) (3) kidney feels good. sa tutoo lang!
BOOKS..books..books!
after a year here in sg, i realised i spent half of my allowance on books. i frequent fareast plaza, an interesting mall. mura ang tinda nila. they have shoes, bags, belts, clothes and second hand books! but there is a cheaper option. be a member of the national library, one can borrow 4 books/magazines for a fee. this is for a period of 3 weeks per item. ayaw ka pa niyan..laki ng menos sa budget. eh ang isang bagong paperback dito $16+ (SGD) converted, mga P496 din yun...
anyway, madalas ako sa community lib malapit sa lugar namin mula ng nagmember ako (walking distance lang) pwede ka tumambay at magbasa on arts and crafts... photography...news...at kung ano pa ang interest mo. and free aircon din.
SCRAPBOOKING
i can remember mahilig ako mag-gugupit ng maliliit na picture tapos ididikit ko sa notebook o sa album. minsan may photo album ako na binili on sale kasi, P10 ang isang bundle ng refill....ang gagawin ko lalagyan ko ng makapal na cardboard bilang cover at mapaganda ito ng hallmark na pambalot. plastikan...at meron na kaming photo album.
next step, halukayin ang mga naghambalang na mga litrato. idikit sa madikit na refill...at lagyan ng palamuti na pinaggugupit mula sa mga stationaries na luma o yung bang mga pinag-malian. imbes na itapon kadalasan hilig kong itabi. o cute di ba? dagdagan ng mga old bookmarks o mga remembrance na galing sa camp from your camp barkada. kundi naman mga movie tickets, ribbons/string o kahit ano pa man na may relasyon sa pictures na naka-feature dun.
scrapbooking na yun. pero ngayon natuklasan ko ang mga SCRAPBOOK PAPER. heto na ang bumili ako tuwing maliligaw ako sa mall na may tindahan ng scrapbook materials...ang nakakatawa sa akin ay nanghihinayang ako gamitin ang mga ito. bibili ako tapos nakatago sila sa mga folders/plastic according sa kulay at gumawa. meron na din naman akong mga natodas na binili ko for specific projects like my doggy album, birthday and anniversary albums. sa itinagal ko dito hindi ko namalayan ang dami na pala ng abubot ko. may ilang bags na ang laman ay pintura, mga bulaklak, threads, buttons, beads, tela, pens, brushes, etc. mahirap na i-itemize..
sa ngayon, tumigil muna ako bumili ng mga papel at burloloy. hay salamat. pagnaliligaw ako sa mga craft store, pumipikit nalang ako...hehehe.
ARTS AND CRAFTS
Latest project: felt snowman and "caught"... (this is rudolf CAUGHT in a frenzy of christmas lights. lolz)
isa pa sa hilig ko ay ang pananahi. pangarap ko kasi ang maging mananahi. yung designer ba...hehehe. naalala ba ninyo pag panahon ng exhibit sa school sa H.E. o arts class? nagkakandakumahog tayong nagpapagawa sa nanay ng ating mga art projects?nung elementary, ako ang isa sa laging nauna mag-submit at nae-exhibit...hindi siguro dahil sa maganda ang gawa ko, kundi halatang gawa ko talaga...maaring hindi tuwid ang tahi, wala sa ayos ang kulay, o baka nakita lang ng titser ko na magiliw kong ini-submit ang aking gawa.
mahilig kasi ako sa pagkulay (crayola o watercolor), pag-crochet, pagburda, pag-beading. naalala ko nga ang project namin na ginawan ng frame ng tatay ko. isang beaded na fairy (grade 4 ata ako) dalawang beses nabasag ang salamin dahil napapabayaan ko. pero natutuwa naman ako sa tatay ko dahil supportive siya sa mga hilig ko. pagmay natapos akong painting, o tulad ng aking "fairy", i-fre-frame niya. buti nalang marami ata syang frames.
sa nanay pala ako nagmana manahi. noong buhay pa siya ay lagi kaming may ternong damit ni G, ang aming bunsong kapatid na babae. naalala ko siya, tuwing may pagkakataon isinasama niya ako sa palengke. bumibili siya ng tela, ayaw na ayaw ko sana sumama pero dahil ako ang madalas buntot ng nanay, sama ako kahit na masakit sa mata ang kemikal ng mga tela sa palengke. parang ako ang hilig ko tahiin ay mga blouse, pajama, shorts, bags at kurtina. kaya ng nawala na si nanay, ako na ang nananahi ng kurtina, kobre kama at kung anu-ano pang pwede para mapaganda ang bahay. ayun, medyo hindi pa rin tuwid ang tahi at mapusyaw ang kulay...hehehe
INTERNET
nahalata ko noon ang addiction na ito nang kaming mag-asawa ay inaabot ng madaling araw sa pagko-computer. naging member ako sa iba't-ibang site yahoo, hotmail, g-mail, icq, etc. iba hindi ko na matandaan...natuklasan ko na rin ang paglalaro ng mga games (scrabble, text-twist, bookworm etc.) gayundin ang mga trivia online. another form of addiction...
ang kagandahan pala ng may internet connection, any time pwede kang mag-check ng email, at sumulat din. mag-blog, sumali sa mga forums at mag-research. mas mainam kaysa maghulog ng sulat via airmail at mahihintay ka ng ilang araw bago makarating sa kaibigan mo at maka-respond sila uli. eh kung tamad pa sumulat tulad ng mga kilala ko...(ops.... nagpaparinig) baka mamuti lang ang mata natin sa paghihintay.
TODAY: i saw this old draft from my files. thought i'd post it here...thanks for looking