NiNAnG Ni SaM
pasko na! naamoy ko na ang pasko...

kaninang hapon galing ako sa orchard dahil type ko umikot-ikot nangangalap ng bagong gamit at pwedeng project for decors. hindi ko maiwasan ang humanga sa laki ng Christmas tree at sa garbo ng decorasyon sa loob ng isang mall...ang dami ng mga nakabitin na kulay PINK! (o gets nyo na kung saan yan? biggest tree in orchard?? )

lumipat naman ako ng lugar...naghahanap naman ako ng Christmas album ng RAY CONNIF SINGERS. naalala ko kasi ang mga paskong nagdaan sa maynila, madalas akong mag-shopping sa SM mall/s (window o hindi).... lagi ang ganda ng mga tugtog...(ang R.C.Singers...parang galing sa langit) hehehe. lalo na kung umaga mo maririnig... nakaka-inspire lalong tumingin ng shoes...bags...damit...

sayang lang, at hindi ko maririnig ang mga "tugtog-pasko" na yan itong taon. iba ang skedyul namin ng uwi ngayon. marami ata akong mami-miss. pati ang aking bunsong kapatid (GM) at ang kanyang pamilya, hindi namin makakasabay lumuwas. oh well, ok na rin, at least we can still spend time with the rest of the family.... (kuya ko at pamilya ni E, and other friends) naubos na kasi namin ang leaves niya for this year. gusto ko pa naman sana makitang mayabang lumakad ang first baby nila GM, at ngumiti ng nakakaloko....dami na teeth ha!

anyway, heto ang aming kaunahang pasko sa bago naming tirahan...sempre, hexcited din magpaganda ng bahay... sana lang makahanap pa ako ng mga murang decors. sa mga nakita ko kasi kanina......ang kulay na naiisip ko sana ay gold and red...pero wala ko makita maganda. bahala na pagwala- di WALA... o tama na, husto na...ayaw ni E ng OVER!

miss ko din tuloy ang aming ginawang puno nung 2000. 5 ft tree gawa sa chicken wire at pinagkabit-kabit na dahon sa isang mabigat na paso. taon-taon kaming nagdadagdag sa aming kulay gold na balls, o pinecones na may prutas etc...may nakabitin ding puno sa dingding...(para atang hindi ko na tinanggal yun mula ng umalis ako nung march.)...at may bilog naman na wreath. siguro miss din ako ni GM dahil ako ang gumagawa ng decors sa bahay namin noon...na as early as nov. 2 nagdedecorate na kami ng bahay. talo pa ang mall....para sulit naman ang pag-bili namin ng mga dekorasyon 'no.

oo nga pala, may daiso na sa cbd! great news...all for $2!
kaya palagay ko mas maganda ang shopping dito dahil mura at kakaiba!
hay, malapit na pala ang ....silver bells....ringaling!