NiNAnG Ni SaM
March 2009, nang isinulat ko ang post na ito (sa kabila: friendster blog: KAKAISIP)....ating balikan...

Halos dalawang Linggo na rin ngayon na nakapasok ako sa isang supermarket (Wellington) dito sa NZ. At hulaan ninyo kung ano ang akala nila sa akin……isa akong chengwa.

Wala naman akong pintas sa mga Intsik in general. Sa loob-loob ko pag-ako napagkamalan pa ng isang beses…malapit na ako maniwala. Noong una, customers ang gusto kumausap sa akin ng sarili nilang lengguwahe.

Ngayon nalang araw na ito, tatlo sa ating mga kababayan (Pinoy) na kasama sa trabaho ang nag-akalang miyembro ako ng “yellow race” hahha. Sagot ko nalang, “HINDI AH, MATAGAL NA RIN AKONG PILIPINO…MGA 45 YRS. NA.” biro lang.

Tama naman ang sabi ng kasama kong tunay na Instik, na karamihan naman sa mga Asiano ay magkakamukha…features tulad ng singkit at fair comp. At ganun din ang tingin natin sa mga Caucasians na parang magkakatulad din sila. Pano mo ma-differentiate ang British from Americans (na di kailangan magsalita ha) o kaya mga taga-Ireland kumpara sa Canadians…me point sya di ba?

Mabuti na nga lang nung gusto akong kausapin ng Intsik andoon ang 2 kong kasamahan na sumalo sa akin. Eh baka ang maisagot ko lang sa kanila eh..SIRIT!

UPDATE: Magpahanggang sa ngayon, halos isang taon na ako na nakalipat sa pangalawa kong trabaho, supermarket pa rin...akala nila: CHENGWA daw ako, nung isang araw THAI...aba nung isang linggo naman ay KOREAN...o di ba? Mahilo kaya sila...? Pero pag-narinig nila ako mag-ingles dun nila nalalaman na Pinoy! Hehehe. Bakit? Tunog Americano with a touch of Pinoy English-slang (SLENG??). LOL!
| | edit post