NiNAnG Ni SaM
nasa erport na kami ng PAL ng mga 12:30 pm. last flight kami (2:50 pm) for singapore. pumila kami ng kahaba-haba, parang uod na paliko-liko....sabay-sabay ang mga tao papuntang HAWAII, CHINA, SINGAPORE, HONGKONG....etc. may isa pa kaming napuna, may mga tao na parang VIP sa gitna sila pumipila at nakakalusot naman para sumingit sa amin. kaya ayun! dami nang tao na umiinit ang ulo! may isang mama nga na nagalit noong may isang lalaki, he's about 50 years old, na pinapasingit ang mga kasama niya sa tour...eh ang dami nila about 10 people at madami pang boxes and luggages...hindi pumayag ang mamang naka-"green" dahil more than 30 mins na kami nakapila...parang ipaglalaban niya ng patayan ang "stand" niyang iyon...with matching hanap sa manager....

nakakatawa na nakakainis ang ating mga sistema sa erport...biruin mo iisa lang ang umaandar na xray machine sa may entrance ng erport? maitatanong mo sa sarili mo....ganon lang ba tayo kahirap na iisa lang ang ating machine? eh kabago-bago pa lang ng centennial terminal 2 na yan ng PAL.

magche-CHECK IN na kami ng aming luggage...hinanapan naman si E ng documento as an OFW e walang maipakita kaya kinailangan pa magbayad ng P 1,620 para sa akin as "dependant" for travel tax, at pinapupunta pa sa terminal 1 para ayusin ang OWWA papers niya...naku po Panginoon! eh 10 mins lang aalis na ang erplano namin....pupunta ka pa sa bangko para magwidraw....ang inaasahan lang namin ay magpapalit lang kami ng sing dollars para pang terminal fee namin....(tig P 550)

wala namang ATM at ang forex ay nagsara na. pinapalit na namin lahat ng meron kami, naghahanap pa ng barya para sa akin...KULANG na ng P 6!!! nakakaawa naman kami!!! naiiyak na ako sa inis!!! hindi mo maintindihan kung kami ay napaglaruan ng tadhana o sadyang napag-initan lang. dati rati naman ay hindi naman kami dumadaan sa ganitong problema...naka-2 beses na ako pabalik-balik, ok lang naman. isa na lang ang aking iniisip...na mas naghihigpit sila (CHECK IN) dahil sa malaki rin ang nawawala sa mga nakakalusot sa OWWA.

wala kaming nagawa kundi pakiusapan ang PAL supervisor na rebook nalang kami para kinabukasan at habulin ang aming mga bagahe sa flight 503 na iyon. tinawagan na namin ang kuya ni E para kami pick upin, maghanap ng ATM at lakarin ang mga papeles sa OWWA.
matagal din bago namin nakuha ang aming luggages kasi hinukay pa sa paalis ng flight...hinabol pa sa may runway na malayu-layo at inabot ng mahigit sa 1 oras bago nakuha. may kasabay kaming 2 pang pares na dapat paalis din pasingapore e....nagparebook na din. tiyak na delayed ang flight na yun!

kahindik-hindik na pangyayari! parang lahat ng malas na maiisip mo ay nangyari....pero sa isang banda, bakit ba pinahintulutan ito mangyari ng Panginoon? marahil para ipamukha sa amin na SIYA ang may hawak ng lahat ng situasyon sa buhay ng tao...sa KANYA nakasalalay ang bawat disisyon kung ika'y mabubuhay pa ng isang araw o hindi na...at kung hindi ka makasakay sa araw na iyon, naisalba kaya Niya ang iyong buhay sa tiyak na kapahamakan?
nakakatuwa isipin na kinabukasan....

matapos namin matulog na lamang sa malapit na hotel, dahil 1st flight na ang kinuha namin....5:00 am nagpahatid na kami. before 6:00 am nakapila na kami...maikli pa ang pila..... nagcheck-in at pinakita lahat ng documento ni E sa OWWA, kahit na may konting pila sa POEA, cool pa ang mga tao....heto ang SMMOOOOOTHHH SAILINGGGGGGGGGGGG!

nagbayad na ko ng aking terminal fee (P 550), si E libre na for being an OFW... at wala ng tanong sa IMMIGRATION after makita ang aking "green dependant card" at nasa loob na kami waiting for boarding without a "hitch"! ika-nga eh walang kahirap-hirap!

meron akong napuna na sa check-in counter na isang lalaki na dumaan din sa pinagdaanan namin kahapon, pero dahil sa maaga siya, nalakad niya ang lahat at nang makita ko ay prente na siyang gumagala sa waiting area at umiinom ng kape. ayos na!

nakatulog ako ng husto sa aming flight...siguro sa tension na inabot ko...
pagkalapag sa singapore, ang pakiramdam ko....HAYYYY SALAMAT PO!!! walang problema! pumila lang sa singapore immigration, maayos naman dapat lang ay pwede na kami sa dulong counter....para lesser ang pila (FOR RESIDENTS OF SINGAPORE). at may maganda pang sumalubong na nag-aalok ng candies...laking kaibahan sa erport natin...

dapat sana ay darating/aalis ka ng RELAXED...eh kung galing ka sa pinas, tatayo lahat ng buhok mo at dadami pa ata ang wrinkles kung mararanasan mo ang nangyari sa amin....the moral/s of the story is: GET TO THE AIRPORT AS EARLY AS POSSIBLE....YOU'LL NEVER KNOW WHAT AWAITS YOU!!! SO BE READY! and BRING EXTRA CASH!
| | edit post
NiNAnG Ni SaM
WOW! we're really back!
umuwi kami last april 9 for a 3 week vacation sa pinas. little did we know na sa loob ng 3 linggo parang bitin pa rin...napakarami pa ring gusto sanang gawin. but the most important thing is that we had time to bond with our families. nakakamiss din kasi ang mga kaCOOLitan ng mga kapatid! at malakad ang mga bagay-bagay na kailangan para maayos ang lahat.

nagkaron kami ng pagkakataon para makarating sa Cabanatuan church para madalaw ang aming inaanak sa kasal Ptr. D and I, his wife. we spent 2 blessed days there. naalala ko ang isang bahay ni lola na ipinakita ng mag-asawang ito at ang isang magarang restaurant kung saan kami nag-hapunan.

nag-swimming din kami sa GROTTO V sa bulacan. masaya and relaxing outing with E's family. another time kasama naman namin ang aking bunsong kapatid na si GM at ang kanyang asawa (minus kuya A, dahil busy siya) dinner naman sa megamall. masarap talagang mag-ikot sa mall kasama si GM, grabe ang resistensiya niya....nakarami rin ako ng binili pauwi dito sa singapore. mga anik-anik sa paggawa ng hikaw...mga butones at ilang ribbon para sa aking scrapbook. nakakaaliw mamili dahil ang laki ng deprensiya sa presyo ng pagbili dito at sa pinas...

lastly, from 25 april to 28 april nasa bohol kami! we arrived at 5pm at alona kew beach resort...wala nang masyadong magawa kundi maglakad...explored the place and to look for a place to eat. kinabukasan we sunbathed along the whitesand beaches of alona ....we went dolphin-watching, island hopping, snorkling and swimming on our second day and had a relaxing massage afterwards (sarap!). on the next day nag-choco tour naman kami sa chocolate hills. 8am we started off with our tour guide/driver si mang DORO, this tour includes visits to 7 scenic spots in bohol eg chocolate hills, baclayon church, a hanging bridge, and finally a historic river where filipinos hid in caves during the war. nakakita din kami ng TARSIERS, ang pinakamaliit na nilalang na parang "bat-rat-and monkey". and later got to eat lunch along the riverside resto. sarap! kakaiba!!!! in the afternoon we swam kahit na low tide na, ISA lang ang pintas ko ....malumot! di bale napagtiyagaan pa rin mag-swim...kahit low tide at halos nakaupo na sa buhangin ang mga bangka.

wala kaming maisip gawin paghapon kasi walang tv kundi maglakad....sa may gilid ng beach, umupo kunyari nagpapaaraw...magpa-picture...pansinin ang mga naglalakad na mga tao...kundi naman ay mahiga lang at magpahinga....mag-isip kung ano ang masarap na kainin....grabe! tumaba na naman ako pagkakauwi na yan!

kakaiba ang lugar ng hotel namin, di mo aakalain na ganon ka-advance doon dahil sa may tinigilan namin may internet cafes(3), souvenir shops with money exchange, tour offices for tourist who wish to take the different tour packages/paggagala sa bohol, at napakaraming mga restaurants...may mura at may medyo mahal din ang mga presyo. at sa halos lahat ng areas ng beachfront sa alona ay may mga diving tours. yan sa palagay ko ang pangunahing raket dito.

nakabalik din kami sa maynila ng maayos at walang problema. nakipagkita kami kay kuya A, aking panganay na kapatid sa greenhills para mag-dinner. ang aming huling pagkikita...kumain kami sa GERRY'S GRILL...sarap! tinext ko na rin si GM, na umuwi na ng palawan....iniinggit ko....sabi ko ANG SARAP ng kain namin....! maya-maya pa ay nag-uwian na kami.

ang aking hinarap naman pagkauwi ay ang pag-eempake ng mga gamit, pinamili at mga pasalubong. gayundin ang pag-aayos at secure ng mga gamit sa binabagyong parte ng aming extension tuwing umuulan ng malakas...(may waterfalls). kinailangan ayusin para next time na umulan ng malakas e...di mabulok ang mga gamit ko sa likod o stockroom namin. kinabukasan friday, 29 april, naglaba ako ng maaga at si E naman ay nagpaayos ng sasakyan....tapos unti-unti ko nang iniligpit ang washing machine, mga upuan sa labas...mga batya atbpang gamit. at muli na naman ako nalungkot.....pakiramdam ko..."heto na naman...iiwanan na naman uli ang aming bahay...malungkot na naman dito bukas...."

umandar na naman ang aking pagiging sentimental.... pati laman ng ref...dinefrost ko na para bukas io-off nalang. ililigpit na ang kwarto't ibabalik na ang mga nakaimbak na gamit. tatakpan na ang sala set para di dalawin ng makapal na alikabok.

dumating na ang araw ng pag-balik sa singapore....maaga pa nagkakanda-kumahog na ako sa pagprepare ng agahan....last minute pag-aayos ng maleta na baka ma-excess baggage pa...9 am dapat nakaalis na mula sa bahay sundo ng maghahatid sa aming kuya ni E.

ang akala namin ay maayos na ang lahat...kumbaga ay smooth-sailing na....ngunit hindi pala!BUKAS NA YANG KWENTONG YAN!!! ang masasabi ko lang ay...salamat sa Panginoon sa kabutihan Niya!
| | edit post